-Nice News-GMANews.TV – Ricky Lee puts up foundation for aspiring, struggling writers – Entertainment – Official Website of GMA News and Public Affairs – Latest Philippine News – BETA

Its boring but I have decided that this year I’ll give most people the same birthday gift. After reading Para Kay B about two weeks ago I decided that it is my default gift for this year. Great to hear that buying the book means helping other writers bring their works to life!

Ricky Lee puts up foundation for aspiring, struggling writers
02/06/2009 | 03:58 PM
Email this | Email the Editor | Print | ShareThis
Kinikilala bilang isa sa pinakamahusay at nirerespetong scriptwriter sa industriya, ang malalim na pagmamahal sa pagsusulat ang nagtulak kay Ricky Lee upang sa kabila ng kahirapan sa buhay ay pinili niyang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging isang mahusay na manunulat.
Ngayon ay isa na sa haligi sa mundo ng scriptwriting, ang higit na kahanga-hanga kay Ricky ay ang kagustuhan niyang makatulong sa mga batang manunulat na kapos sa pinansiyal na kakayahan para ipagpatuloy ang kanilang pangarap at sa mga kapwa mga manunulat na ngayon ay medyo kapos sa buhay.
FOUNDATION FOR WRITERS. Sinabi ni Ricky sa PEP Philippine Entertainment Portal na isang foundation ang inuumpisahan na nilang itayo para sa mga kapwa manunulat, ang Writers’ Studio Foundation.
“Nag-a-apply na kami sa SEC [Securities and Exchange Commission], nagpa-process na. Yung nobelang naisulat ko, yung Para Kay B, after that, may dalawa pa akong nobelang ilalabas this year. Yung part of proceeds ng mga libro na nilalabas ko, mapupunta sa foundation.
“Halos thirty years naman na akong nagtrabaho as scriptwriter, naisip ko na lapitan ko na ngayon lahat ng mga nakatrabaho kong direktor, artista na sa kahit papaanong paraan ay nakatulong naman ako sa kanila. Ibalik naman nila ngayon sa mga writer.
“Eventually, kung makakahanap kami ng tie-up sa mga eskuwelahan, sa ngayon may mga nakausap na akong ibang mga kaibigang artista at direktor na nangakong mag-pledge ng scholarhips. Si Mother [Lily Monteverde] naman, magdo-donate ng office. Saka, di ba, may free workshops ako sa scriptwriting? Magiging parte yun ng foundation,” lahad ng batikang manunulat.
Ang focus ng mga gustong tulungang manunulat ni Ricky ay hindi lamang mga batang manunulat na gustong i-pursue ang kanilang kagustuhang maging magaling na manunulat kundi maging yung ibang mga kasamahan na ngayon ay kapos sa trabaho at pagkakitaan.
“Para siyang MOWELFUND for writers. Tutulong siya sa mga scriptwriters na mga bata, mula sa probinsiya, yung mga mahihirap lang, walang pera, gustong mag-aral sa Manila. Gaya ko noon, umalis ako sa Daet para mag-aral ng college, gustung-gusto kong magsulat, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko yung gaya ko rin noon ang situation na gustong magpunta ng Maynila at mag-aral, gusto ko silang matulungan.
“Hanggang ito sa pinakamatatanda nating mga writers. Di ba, marami sa mga kaibigan nating writers abf walang trabaho, pampaospital? Sana hanggang sa kanila makatulong yung foundation. Sa mga gustong magpahatid ng tulong, my e-mail is lagoon@pldtdsl.net,” pagbibigay-impormasyon niya pa.
GMANews.TV – Ricky Lee puts up foundation for aspiring, struggling writers – Entertainment – Official Website of GMA News and Public Affairs – Latest Philippine News – BETA.<Emphasis Mine>

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *