‘Daang matuwid’ or ‘daang kurakot’? | Inquirer Opinion

What I learned about Mar, that I didn’t know until yesterday (through P-Noy’s story-telling), is that Mar forbade his family from going into the BPO (business process outsourcing) enterprise so that they could not be said to have taken advantage of a program that he had designed. That was an example of Mar’s integrity. Compare that with a cake-giving program for constituents’ birthdays, with the cakes bought from a member of the family. Or a 13-percent cut from every approved infrastructure project undertaken under your administration. No contest.

Source: ‘Daang matuwid’ or ‘daang kurakot’? | Inquirer Opinion

repost:‘Daang matuwid’ or ‘daang kurakot’? | Inquirer Opinion

What I learned about Mar, that I didn’t know until yesterday (through P-Noy’s story-telling), is that Mar forbade his family from going into the BPO (business process outsourcing) enterprise so that they could not be said to have taken advantage of a program that he had designed. That was an example of Mar’s integrity. Compare that with a cake-giving program for constituents’ birthdays, with the cakes bought from a member of the family. Or a 13-percent cut from every approved infrastructure project undertaken under your administration. No contest.

Source: ‘Daang matuwid’ or ‘daang kurakot’? | Inquirer Opinion

Pres Aquino’s Endorsement Speech of Mar Roxas

from here: http://www.gov.ph/2015/07/31/speech-president-aquino-club-filipino/

Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
sa pagtitipon sa Kalayaan Hall, Club Filipino

[Inihayag sa Kalayaan Hall, Club Filipino, Lungsod San Juan, noong ika-31 ng Hulyo 2015]

Napaka-energized n’yo, ‘no? [Tawanan at palakpakan] Kanina ho binabanggit ko kay Mar ‘yung ating choir. ‘Yung mga bata kung nakita ninyo, ang dating, very professional. At saka ‘yung kantang pinili, lalo na sa prayer, medyo malapit ho sa puso ko ‘yan, tulad ng pagiging bukas-palad. Kinakanta ko ho iyan kapag pikon na pikon na ako kung sinoman ang kausap ko. Talaga hong nakakakalma. [Tawanan] Siyempre, nadagdagan pa nitong atmosphere natin. Ang ganda, nakikita nating marami sa inyo ang tagal ko nang di nakikita, o bihira nating nakikita. Siyempre, ‘yung mga bata katulad ni Karina David; [tawanan] mga mas bata katulad ni Pidi Barzaga, nandiyan sa gilid; [tawanan] at ‘yung mga tulad na bata tulad ni Anton; at talagang marami sa inyong lahat na talagang nakasama natin lalo na sa pinakamadilim na panahon ng paglalakbay.

Bumalik tayo sa hall na ito na talagang naging testigo sa napakaraming dinaanan natin. Noong panahon na tinatawag tayo ni Joker Arroyo na kakasya sa Volkswagen Beetle, hanggang sa ngayon na kakasya pa rin tayo sa mga Volkswagen Beetle. [Tawanan at palakpakan] Dahil tayo ho’y maunawain sa kapwa, kung gusto ninyo sumabay sa atin, ihahanap natin siya ng puwesto sa Volkswagen Beetle. [Tawanan]

Nandito tayo sa Kalayaan Hall ng Club Filipino, isang pribadong lugar na naging bahagi ng napakaraming mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan. Dito po, nanumpa ang aking ina, upang simulan ang ating pagkakamit ng pangako ng EDSA. Sa mga matagal na nating kasama sa Daang Matuwid, maaalala rin ninyong dito ko unang binigkas: Puwede na muling mangarap ang Pilipino. Ngayon naman po, nandito tayo kasama ang Partido Liberal, pati ang mga iba pang mga grupo tulad ng KOMPRE, People Power Volunteers for Reform, [palakpakan] Change Politics Movement, Urban Poor Alliance; mga partylist tulad ng Akbayan [palakpakan], YACAP, Angkla–dahan-dahanin natin itong parteng ito, baka may magalit na naman na hindi nabanggit–CoopNatco, Ateacher, ABS –’yung partylist po ah–at Append, pati na nga mga kaibigang kasapi ng NUP at NPC na mga nandito rin po sa araw na ito. [Palakpakan] Pati ‘yung isa sa iniidolo nating si Mayor Hagedorn na nandito rin, na matagal nang kasama sa Tuwid na Daan. [Palakpakan]

Marami akong binabanggit na pangalan. Alam ho n’yo nung sa SONA may mga nagsabi bakit hindi sila nabanggit. [Tawanan] Hindi ko ho kayo mababanggit lahat dahil medyo mahaba ho itong speech na ito at kailangan nating pakinggan si Mar. [Tawanan] Kaya, ako’y humihingi ng tawad ulit sa hindi nabanggit; basta kung hindi ko man kayo nabanggit ngayon, nasa alaala ko kayo. [Tawanan] ‘Yung nabanggit ko naman ay ihuhuli ko nang konti sa alaala.

Nagtitipon-tipon tayo para pag-usapan ang susunod na kabanata sa ating pagtahak sa Daang Matuwid. Noong Lunes, iniulat ko sa inyo: Talagang napakalayo na po ng ating narating. Siyempre po, may ilang tumutuligsa dito, na tila ba ang idinidiin ay bakit daw hindi tayo maka-move-on. Ang sa akin lang po: Sinusukat natin ang nalakbay ng bansa mula point A hanggang point B. Di po ba natural lang na ilatag natin ang buong katotohanan ng point A na siya nating pinagmulan?

Nakita po ninyo ang ating nakamtan: Pinatag natin ang sistema; pinapanagot natin ang mga tiwali; ibinalik ang kumpiyansa ng mundo, at ang tiwala natin sa sarili at sa isa’t isa. Pinilit ko nga pong pagkasyahin sa iilang oras ang mga tagumpay natin, pero sadyang napakarami. Pagbigyan sana ninyo akong magbahagi ngayon ng ilan pang testimonya. Alam po n’yo, ‘yung mga video na naihanda nang paspasan, 46 ang inabot. Ang ginamit po natin noong araw ng SONA, 15. Pero meron hong mga nakaligtaan na palagay ko napakagandang dapat ibahagi din sa inyo. Panoorin po natin itong mga videong ito:

[VIDEO SEQUENCE]

Ididiin ko lang po: Ilang halimbawa lang iyan; simula pa lang ito, at napakalayo pa ng puwede nating marating. Sabi ko nga po, sa pagsasaliksik ng NEDA: Sa loob ng isang henerasyon, maaari nang maabot ang first world status. Mayroon bang kahit sino sa atin dito sa bulwagang ito ang nagsabi o nag-isip ba na magagawa natin, o mapupuntahan natin ang first world status?

Nagagalak nga ako sa lakas na ipinakita ng ating mga Boss upang ipaglaban ang mga tagumpay na ito. Sabay nito, di ko maiwasang maisip: Di po ba ito mismo—ang tamang serbisyo na nagpapalawak sa pagkakataong umasenso—ang karapat-dapat lang para sa ating mga Boss? Bakit umabot sa puntong kailangan pa itong ipaglaban? Ang kongklusyon po natin: Lahat ng mahahalagang bagay, kapag hindi mo pinaglaban, kapag hindi mo inalagaan, maaaring mawala.

Mga Boss, sa natitirang panahon ng aking termino, may dalawang napakahalagang obligasyon ako sa inyo: Una, kailangan kong siguruhing maging malinis, mapayapa, at mananatiling makatotoo at may kredibilidad ang gaganaping halalan sa 2016. Ang pangalawang obligasyon naman po ay mas lilinaw kung ipapaliwanag ko gamit ang ilang kuwento.

Nasabi ko na po sa inyo, may ilan na rin pong nagmungkahi, na para raw masigurong hindi masayang ang ating pinaghirapan, dapat daw magtagal pa ako sa puwesto. Naipaliwanag ko na po sa inyong lahat noong SONA kung bakit ako tutol dito: Ayaw nating magbukas ng pagkakataong may maghari-harian habambuhay para sa pansariling interes. [Palakpakan] Hindi po teorya ito, di ho ba’t nangyari na sa kasaysayan natin? May ilan naman din pong nagsabi: Huwag na raw ako mag-endorso ng kandidato, at maging “friend to all” na lamang. [Tawanan] Kanina ho kasi nung sinabi ni Ginoong Marañan na hihingan niya ako ng dagdag, napag-usapan ‘yung mangga ng Guimaras, saka lang ako papasubukan ng mangga ng Guimaras. [Tawanan] Ipagpatuloy ho pala. Kaya naman tayo nandito ngayon. Palagay ko po, ‘yung pagiging “friend to all,” malamang hindi rin tama ‘yan. Personal hong interes ‘yan, imbis na interes ng bansa. [Palakpakan]

Ang naging tanong: Kung ayaw mo, at kung hindi ikaw mismo ang magtutuloy, sino ang dapat pumalit sa inyo? Diin po nila sa atin: Obligasyon ko daw pong humanap ng karapat-dapat na hahalinhin at magtutuloy sa ating inumpisahan. Obligasyon kong siguruhing hindi masasayang ang lahat ng nasimulan. Pero siyempre po, noong sinasabi ng maraming tao sa akin ito, sa loob-loob ko noon po, iisa lang naman ang boto ko, gaya ng bawat Pilipino. Baka po mas tamang sabihin: Lahat tayo, may obligasyon dito. [Palakpakan]

Mayroon nga pong minsang nagpadala ng text, na noong umpisa akala ko ay tinutuligsa tayo, pero ‘yun pala sa dulo ay pinuri naman. Sabi ho kasi sa mensahe, “It’s a thankless awful job that good people in their right minds would not take on.” [Tawanan] Siyempre, isang pahina ho kaagad ng text iyon. Bakit kaya ito ipinadala sa akin? Dagdag pa niya, at dito gumanda naman ang kalooban ko, “I feel so bad for him; I know he’s trying so hard. Just want to make him know at least one person appreciates him now.” (Pinadala po ito sa kaibigan natin.) [Palakpakan]

‘Yung nagpadala po sa akin noon, hindi nakikihalubilo sa pulitika. Interes po nito ‘yung environmental issues. Never ko po nakilala itong taong ito pero minabuti niyang magpadala ng mensaheng iyon para makarating.

Sa paghahanap nga po, kinausap natin ang mga taong maaaring magpatuloy sa Daang Matuwid at ang maraming mga sektor. Kinapanayam ko ang tatlong tao, na sa aking pananaw ay kabalikat sa Daang Matuwid. Maganda nga po sana, na ang mga kailangan pang magsanay ay talaga pong magkakaroon ng pagkakataong mahinog at maunawaan ang tunay na lalim ng pagkapinuno. Sa akin pong paniniwala, itong tatlo, kung magkakasama-sama ay talagang matinding tambalan. Doon po, sa ngayon, ay hindi pa tayo nagtatagumpay. Nagkaunawaan po kami; mukha namang iisa ang aming hangarin, pero hindi eksaktong paraan ang nasasaisip para maabot ito.

Tiwala akong mulat din kayo: Napakalaki ng nakataya para ipaubaya sa “baka sakali.” Marahil may nag-isip: Baka ‘yung iba, kayang ituloy ang nasimulan natin. Baka ‘yung iba, kayang panagutin ang mga tiwali. Baka ‘yung iba, maituloy ang pag-angat ng ekonomiya at mapalawak ang serbisyong panlipunan. Baka ‘yung iba, manatili sa tuwid na daan.

Ang sa akin lang po: Bakit tayo magpapaakit sa “baka,” kung meron namang sigurado? [Palakpakan] Liwanagin ko lang po, ‘yung siguradong tinutukoy natin, [tawanan] hindi ‘yung siguradong tiwali sa ating Daang Matuwid. So, ano ho ‘yung siguradong kinausap natin at sigurado tayo? Number 1: Siguradong may kakayahan; siguradong walang ibang Boss kundi ang taumbayan, siguradong walang ibang pinagkakautangan ng loob, siguradong walang ibang interes kundi ang bayan. [Palakpakan] Sa madaling salita po, doon na po tayo sa siguradong itutuloy ang Daang Matuwid. [Palakpakan]

At ang paniniwala ko po, ang taong ito, walang iba kundi si Mar Roxas. [Palakpakan]

Hayaan po ninyo akong magkuwento tungkol kay Mar Roxas. [Tawanan] Alam po ng marami sa atin, siya ang unang nagsikap para madala at mapalago ang BPO industry sa Pilipinas. [Palakpakan] Mula 2,400 na empleado noong taong 2000, lumago na ito noong 2014 sa isang industriyang nagkakahalagang P18.9 billion [palakpakan] na diretsuhan pong nag-eempleo ng mahigit isang milyong katao. [Palakpakan] Sabi po ni Greg Domingo, bago ako bumaba sa puwesto, 1.3 million raw po iyan. [Palakpakan] Pero palagay ko po na may nakatago pa siya doon para masabing lumampas sa pinangako. [Tawanan] Ang hindi alam ng marami: Huli nang nakasali ang Cubao sa paglago ng mga BPO dahil pinagbawalan ni Mar ang pamilya niyang mag-apply sa mga ecozone. [Palakpakan] Idiin po natin: Ang sariling pamilyang matagal nang negosyante, kinumbinsi niyang huwag makisali sa inisyatibang sinimulan niya bilang opisyal ng gobyerno. [Palakpakan] Dito po, at sa marami pang ibang halimbawa, klarong-klaro ang integridad ng isang Mar Roxas. [Palakpakan]

Sa karanasan ko po, alam kong kahit ano ang iatas kay Mar, hindi niya iniiwan hangga’t stable ang sitwasyon. Sa Zamboanga man, sa Bohol, o Leyte, kahit pa ba maputol ang komunikasyon namin dahil kay Yolanda, alam kong in good hands ang mga gawain, at hindi niya kailangang mag-abang pa ng utos upang masigurong natutugunan ang dapat tugunan. Ipaalala ko rin po: Hindi bakasyon ang pinuntahan sa mga lugar na ito. Panahon ng krisis; kailangang siguruhing nakakakain ang mga tao sa evacuation center, natutugunan ang marami pang ibang agarang pangangailangan. Nang nagpunta po kami sa Zamboanga, halimbawa, lumikha rin po—dagdag na benepisyo sa Zamboanga—lumikha sila ng bagong cottage industry ng mga labandera dahil may ilan sa aming umasa na overnight lang kami doon, at hindi nakapagdala ng sapat na damit. At wala rin hong tindahang bukas.

Ang palaisipan nga po sa atin: Sa kabila ng mga nagawa ni Mar, sa kabila ng kanyang sakripisyo, para bang may industriya talagang nakatutok sa paghatak sa kanya pababa. Sa Leyte, gusto lang niyang sumunod sa patakaran, pero itong mga kausap niyang mas mahilig mamulitika, nag-edit ng video para siraan siya. [Palakpakan] Isa pa pong halimbawa: Wala pang madaanan ng mga kotse, kaya minabuti ni Mar sumakay ng motorsiklo para makarating sa mga lugar na dapat puntahan; nang nadulas, tinuligsa pa siya. [Tawanan] Napag-isip naman po ako: Kasama kaya sa job description ng pagiging matinong pinuno ang ganito–na pipilitin mong gumawa ng maganda, pero panay pangit ang nakikita ng kumokontra? Ang hindi alam ng marami, kapag gabi at natutulog na ang media, si Mar mismo ang nagmamaneho at umiikot sa mga komunidad para tingnan kung ano pa ang dapat magawa. [Palakpakan]

Kami po sa Liberal Party, lalo na sa henerasyon namin, ay pinagdiinan ng mga nauna sa amin at hindi kami komportableng nagbubuhat ng sariling bangko; kung mapapansin ninyo, laging “Tayo” ang tuon namin, di gaya ng ibang panay “Ako ang gumawa nito, at ako ang gumawa niyan.” Marahil, hindi rin mulat ang maraming tao sa mga nagawa at tunay na pagkatao ni Mar. Sadyang ganyan ang kapalaran ng mga nakatuon sa tunay na pagbabago, imbes na sa mga photo-op at paglalagay ng mukha at pangalan sa novelty items. [Palakpakan] Ang sa akin po: Ang mga magagandang nagawa ay totoong nangyari, maski hindi ibandera ito. At sa pagpili natin, ako nga po, tulad ninyo, hindi ko na kinokonsidera ang mga klarong epal, at taliwas sa tuwid na landas.

Mga Boss, noong una akong nangampanya, kapag nag-iikot ako sa Tarlac, noong ako po’y tumakbo bilang congressman, napakaraming mga lugar na parang walang iniusad mula noong dekada sisenta, noong panahon pang gobernador ang tatay ko. ‘Ka ko, nasaan ang asenso? Bakit ganito? Ito po yata ang epekto ng tinatawag na tradisyonal na pulitika: May mga ginawang pakay ang panatilihing naghihikahos ang mga kababayan natin, para sila ang maging takbuhan—mula pagkain, pagpapagamot, hanggang sa kasal, binyag, o lamay. Ito naman po ang utang na loob na sisingilin nila pagdating ng halalan, upang ipagpatuloy ang paghihirap ng nakararami, at pagyaman ng kakaunti.

Kaya nga po, sa susunod na eleksiyon, sino ba ang dapat suportahan? ‘Yun po bang magpapatuloy ng Daang Matuwid at babali sa sistemang padrino, o ‘yung naghahanap ng paraang bumalik tayo sa siklo ng korupsiyon at kahirapan? Suriin po natin ang mga nagawa ng kandidato; mas maganda pa nga po kung mahaba-haba ang karanasang basehan ng pagsusuri, dahil doon natin makikita ang maraming ebidensiya ng pagiging tapat at mahusay niyang kabalikat sa Daang Matuwid. Malinaw po kung sino sa mga pagpipilian ang tunay at karapat-dapat nating maging susunod na pinuno. At kung mababa man ang kanyang mga numero sa ngayon, ibig sabihin kailangan pa nating paghusayan ang pagpapakilala sa kanya. [Palakpakan] Tinatawag na naman po tayong patunayan na “The Filipino is worth fighting for.” [Palakpakan] Alam po nating lahat: Ang tunay na mahalaga, kailangang paghirapan, kailangang ipaglaban.

Mga Boss, idinudulog ko po sa inyo ngayon: Sa akin pong opinyon, ang nagpakita na ng gilas at ng integridad, ang hinog at handang-handang magpatuloy ng Daang Matuwid: walang iba kundi si Mar Roxas. [Palakpakan]

Magandang araw po. Maraming salamat.

Aquino better than Cory, Marcos, says Belmonte | Inquirer News

“Macoy [could] do anything he wanted, and yet look what happened to us,” Belmonte said.“He exercised the very same powers that Lee Kuan Yew exercised in Singapore. He exercised the very same powers that maybe Park Chung Hee did in Korea, and maybe to a certain extent, this guy from Malaysia, Dr. Mahathir [Mohamad],” he said.

Source: Aquino better than Cory, Marcos, says Belmonte | Inquirer News

 

What the Bobo Marcos Zombie Fanatics fail to realize is that the fact we are not in the same league as Singapore/Korea and even Malaysia points to only one thing. Marcos is a failure. Embrace the truth. Marcos is a corrupt failure. May he and his progeny die a thousand deaths.

without bullshit

My name is Josh Bernoff and I hate bullshit. After 40 years in academia and the corporate world, I’ve had my fill. So have you.Now I’m going to do something about it.On my blog and in my upcoming book Writing Without Bullshit I will analyze why people lie, obfuscate, and ramble on instead of coming to the point. I will show how powerful, bold, direct writing saves us all time and wins every time.Life’s too short for obfuscation. Be brief, be clear, and don’t be boring.

Source: without bullshit

 

Awesome new blog

I, Cringely The U.S. computer industry is dying and I’ll tell you exactly who is killing it and why – I, Cringely

First is the lemming effect where several businesses in an industry all follow the same bad management plan and collectively kill themselves.  We saw it in the airline industry in the 1980s and 90s.  They all wanted to blame regulation, then deregulation, then something else. The result was decimation and consolidation of America’s storied airlines and the services of those consolidated companies generally sucks today as a result. Their failings made necessary Southwest, Jet Blue, Virgin America and other lower-cost yet better-service airlines.The IT services lemming effect has companies promising things that can not be done and still make a profit.  It is more important to book business at any price than it is to deliver what they promise.  In their rush to sign more business the industry is collectively jumping off a cliff. This mad rush to send more work offshore (to get costs better aligned) is an act of desperation.  Everyone knows it isn’t working well.  Everyone knows doing it is just going to make the service quality a lot worse.  If you annoy your customer enough they will decide to leave. The second issue is you can’t fix a problem by throwing more bodies at it.  USA IT workers make about 10 times the pay and benefits that their counterparts make in India.  I won’t suggest USA workers are 10 times better than anyone, they aren’t.  However they are generally much more experienced and can often do important work much better and faster (and in the same time zone).  The most effective organizations have a diverse workforce with a mix of people, skills, experience, etc. By working side by side these people learn from each other.  They develop team building skills.  In time the less experienced workers become highly effective experienced workers.  The more layoff’s, the more jobs sent off shore, the more these companies erode the effectiveness of their service.  An IT services business is worthless if it does not have the skills and experience to do the job. The third problem is how you treat people does matter.  In high performing firms the work force is vested in the success of the business.  They are prepared to put in the extra effort and extra hours needed to help the business — and they are compensated for the results.  They produce value for the business.  When you treat and pay people poorly you lose their ambition and desire to excel, you lose the performance of your work force.  It can now be argued many workers in IT services are no longer providing any value to the business.  This is not because they are bad workers.  It is because they are being treated poorly.  Firms like IBM and HP are treating both their customers and employees poorly.  Their management decisions have consequences and are destroying their businesses.

Source: I, Cringely The U.S. computer industry is dying and I’ll tell you exactly who is killing it and why – I, Cringely

Trying To Find The Sweet Spot Where Happiness and Passion Fuse

%d bloggers like this: