Pangwakas na PahayagniMar RoxasSa Pampanguluhang Debate 2016[ika-24 ng Abril 2016]Maraming salamat sa inyong lahat at lalong-lalo na sa lahat ng mga sumalubong sa amin ni Leni sa aming pag-iikot sa ating bansa—mga nagpakita ng suporta, kumamay, kumupkop, yumakap sa amin. Nakakataba ng puso. At sa init ng inyong pagsalubong sa amin, nasasariwa ang mga dahilan kung bakit ipinaglalaban natin ang ating bayan. Maraming salamat muli, espesyal doon sa ating shout out sa mga taga-Luneta na nanonood ngayon. [Palakpakan]Patapos na ang kampanya. Panghuling debate na ito. The campaign is winding down. It has been vicious and divisive. Maraming mga nasaktan, kababaihan, LGBT, person with disabilities, senior citizens, madalas ang mga pinakawalang kalaban-laban. But this is not who we are as a people. We are a generous people. We are warm. We are loving. Mapagbigay tayo. Ang magulang, isusubo na lang, ibibigay pa sa anak. We do with so much less because we want our children to have more and they deserve more. Every Filipino deserves more, and that is what is at the root of our frustration.Ang iba gagamitin ang ating frustration para lokohin tayo, para makalimutan natin na malayo ang narating natin, para makalimutan natin kung sino tayo bilang Pilipino, para makalimutan natin na ang tunay at makabuluhang pagbabago [ay] hindi nakakamit sa paninisi, sa pang-iinsulto o sa pang-soundbite lamang. Nangyayari ito dahil tinatrabaho, and this is what the elections have come down to—the talkers versus the doers. Those that bring out the worst in us versus those that bring out the best in us; [palakpakan] those ‘yung mga susunugin lahat ng pinaghirapan natin, kontra doon sa mga magdidilig at magbabantay sa mga itinanim natin.We must stay the course because malago ang ating ekonomiya. This is what has turned us from the Sick man of Asia to Asia’s Bright Star. [Palakpakan] Marami ang nabigyan ng trabaho. Our unemployment is at is lowest level in 10 years. Ang classrooms, we have built more classrooms and hired more teachers in the last five years than all the previous five administrations combined. May naiahon tayo. Mahigit dalawang milyon ng ating mga kababayan mula sa kahirapan, wala na sila sa kategorya na mahihirap. Lumago ang ating kapaligiran at marami pang iba, but you know what? Pundasyon pa lang ito. The best is yet to come. [Palakpakan]Another six years of honest, decent, hardworking governance at mararating na natin ang ating pinapangarap—isang Pilipinas na maunlad at disente, puno ng pagkakataon, malaya sa takot, at malayang mangarap. Ito ang maunlad at disenteng Pilipinas, may dangal, may takot sa Diyos, maipagmamalaki mo. [Palakpakan] Ito ang Pilipinas na ipinaglalaban natin. Dakila ang ating lahi. Dakila ang ating bansa. This is a fight worth fighting. This is a fight for our country.Nanawagan ako sa lahat sa inyo, rally to our cause! Katukin natin. Kausapin natin. Kumbinsihin natin ang ating mga kamag-anak, ang ating kakilala, mga kaibigan, mga katrabaho. [Palakpakan] Dalhin natin sa kanila ang magandang balita na kinalalagyan na natin ngayon. Huwag kayong matatakot. Let our voice be heard. This is the good fight. This is a fight for decency, for honesty, for our future.Sa ika-siyam ng Mayo, patunayan natin sa buong Pilipinas at sa buong mundo, mas marami pa rin tayong mga disenteng Pilipino. [Palakpakan] Mas marami pa rin tayong mga mabubuting Pilipino. Mas marami pa tayong mga matutuwid na Pilipino. Samahan n’yo po ako, ipanalo na natin ang laban na ito!Maraming salamat po!
Source: Mar Roxas | Closing statement of Mar Roxas at Pilipinas Debates 2016, April 24, 2016