Manalo, matalo, panalo parin | SLAMonline Philippines

Loved this article about Croatia vs Philippines!

Laban Pilipnas Puso!!!

 

“Di ko nga alam kung bakit ko ginagawa eh, pero lahat ng makita kong kakilala, sinasabihan ko ng ‘Hoy manood kayo ng Gilas ah!’ Kala mo naman kasali ako sa team.” ‘Yan yung sinabi sa akin ng kaibigan kong si Ben Ullado habang nagmamaneho kami papunta sa bar kung saan magkikita ang buong college barkada namin para panoorin ang National Team natin labanan ang Croatia. Si Ben Ullado. Nagtatrabaho sa bangko. Walang kinalaman sa PBA, o sa Gilas, o sa TV network na magpapalabas ng laro. Si Ben Ullado. Kapitbahay ko mula nung limang taong gulang palang ako. Kaklase ko mula grade school. Kaliwete sa babae at sa basketball. Kakampi ko sa varsity sa UPLB. Yung Ben Ullado na inupakan yung sarili niyang kakampi sa liga kasi sinahod ako, na kalaban nila. Wala siyang maisip na magandang dahilan para ipaliwanag niya ang pag-imbita niya sa mga kamag-anak at katrabaho niya na buksan ang mga TV nila, ibahin ang mga plano at panoorin ang isang laro ng basketball. Pero ginawa parin niya. “Parang duty ko sa bayan brad eh.”

via Manalo, matalo, panalo parin | SLAMonline Philippines.